Alden humiling ng ayuda at dasal para sa mga biktima ni 'Ambo' | Bandera

Alden humiling ng ayuda at dasal para sa mga biktima ni ‘Ambo’

Ervin Santiago - May 15, 2020 - 04:20 PM

AGAD nanawagan ng tulong at dasal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa mga kababayan nating hinagupit ng bagyong Ambo.

Isa sa mga matinding tinamaan at naapektuha ng bagyo ay ang mga taga-Eastern Samar, lalo na ang mga nakatira malapit sa dagat.

Sa kanyang Twitter account, humingi ng tulong at panalangin si Alden para sa mga nabiktima ni Ambo. 

Aniya, sa lahat ng may mabubuting puso, maaaring magbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation na nakatakdang maghatid ng relief goods sa mga sinalanta ng bagyo.

“Yesterday, the people on the coastal towns of Eastern Samar were devastated by typhoon Ambo. 

“Let us pray for their safety. They need our help. Relief distribution of the GMA Kapuso Foundation is set for Monday. 

“You can still donate to GMAKF and via Cebuana Lhullier. Thank you po,” mensahe ni Alden kalakip ang ilang litrato na kuha sa mga lugar na matinding hinagupit ni Ambo.

Siyempre, siguradong nauna na ang Pambansang Bae sa pagbibigay ng ayuda sa mga typhoon victims. 

Kahit na wala pa rin siyang trabaho at hindi pa uli kumikita nang maayos ang kanyang mga resto business, hindi pa rin siya tumitigil sa pagse-share ng kanyang blessings sa nangangailangan.

Mula nang magsimula ang lockdown sa bansa dulot ng COVID-19, isa ang Kapuso actor sa mga celebrities na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng health crisis, kabilang na riyan ang mga empleyado at staff niya sa kanilang mga negosyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending