Isabelle Daza superhero ng mga kasambahay: Dapat ma-professionalize sila
SUPERHERO ng mga kasambahay ang turing ngayon ng madlang pipol sa celebrity mom na si Isabelle Daza.
Kung may isang kilalang artista na may puso at tunay ang pagrespeto at pagmamahal para sa mga house staff, maid o kasambahay, yan ay walang iba kundi si Belle.
Pangarap ng anak ni Gloria Diaz na i-para ma-professionalize ang trabaho ng mga ito, makatanggap ng tamang suweldo, mabigyan ng two days off work at benefits tulad ng ibang mga empleyado sa opisina.
Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Isabelle kung paano niya tinatrato at nirerespeto ang
karapatan ng kanyang mga kasambahay.
Bukod sa monthly salary, may SSS, PhilHealth at Home Development Fund o Pag-IBIG din ang kanilang mga kasambahay.
Nakasaad din sa kanilang kontrata ang pagbibigay ng leave credits sa mga ito para bigyan sila ng sapat na panahon para magawa ang iba pa nilang gustong gawin, kabilang na ang pagbisita sa kanilang mga pamilya.
Ayon pa kay Belle, every month ay may evalution sila kung saan binibigyan niya ng chance na masabi ang kanilang mga saloobin, reklamo o suggestion lalo na sa paraan ng pagpapatakbo niya sa mga gawaing bahay.
Ipinost din ng actress-model ang kontrata ng kanyang house staff kung saan nakasaad ang mga dapat nilang gawin sa araw-araw, ang kanilang sahod at benepisyo tulad ng 13th month pay at iba pa.
“My dream would be to professionalize the kasambahay where they get paid the right amount and two days off work just like everyone else as a standard of working.
“After all, they are leaving their families to take care of ours,” pahayag ni Isabelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.