Cherie Gil tuwang-tuwa sa inaning gulay sa garden; Max may nadiskubre kay Pancho | Bandera

Cherie Gil tuwang-tuwa sa inaning gulay sa garden; Max may nadiskubre kay Pancho

Ervin Santiago - May 14, 2020 - 09:58 AM

IBINANDERA ng Kapuso actress na si Cherie Gil ang masaganang ani mula sa kanyang ipinagmamalaking vegetable garden.

Ilan sa mga gulay na kanyang inani kamakailan ay ampalaya, talong, okra, romaine lettuce, arugula at bokchoi.

Isa ang award-winning actress sa mga sumubok sa backyard farming bilang pampalipas-oras habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang ilang parte ng bansa. 

Sinimulan ng mahusay na aktres ang pagtatanim noong inanunsiyo ang lockdown sa Luzon at kakaiba raw ang feeling nang makita niyang unti-unti nang tumutubo ang kanyang mga pananim na gulay.

 “The veggie garden we set up soon after lockdown has began to sprout! Some already harvested from backyard to table! What an amazing feeling! Amapalya, talong, okra, mesclun, romaine, arugula, bokchoi,” ani ni Cherie sa kanyang Instagram post. 

Samantala, huling linggo na ng rerun ng Onanay kung saan napapanood si Cherie sa GMA Afternoon Prime.

Sa darating na Lunes (May 18), papalitan ito ng minahal na Philippine adaptation ng Korean drama na Stairway To Heaven na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

 

* * *

Sa online interview kina Max Collins at Pancho Magno, naikuwento ng aktres na na-discover niyang magaling pala mag-paint si Pancho.

 Noong high school daw ay mahilig na mag-paint si Pancho, ngunit ngayong naka-quarantine lang ulit niya naisipang gawing libangan ito. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Acrylic ang medium na gamit niya, at sa ngayon ay kadalasan mga lugar sa bahay nila tulad ng balcony, sala, at garden ang mga ipinipinta nito.

Samantala, nalalapit na ang due date ni Max (ngayong July). Dagdag na kwento ng Kapuso actress, may pangalan na silang napili pero sikreto muna. Excited na rin sila pareho na makilala ang kanilang baby boy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending