Lalaki kulong sa pananapak, panunutok ng baril sa teenager
KALABOSO ang 37-anyos na lalaki na sumapak umano sa isang teenager na kanya ring tinutukan ng baril sa Quezon City kaninang umaga.
Si Jhonathan Palaroan, driver, at ng Kutsarita st., Brgy. Payatas, ay nahaharap sa kasong Physical Injury, Grave Threat, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at hindi pagsunod sa quarantine protocol.
Nag-aayos umano ng motorsiklo ang biktimang si Piolo Adrian dela Torre, 19, mekaniko ng motorsiklo, sa Kaunlaran st., Brgy. Payatas, nang dumating ang suspek alas-11 ng umaga.
Bigla na lamang umanong sinuntok ng suspek ang biktima at hindi pa nakontento at naglabas ng baril at tinutukan ito.
Nakita ng isang nagdaraang pulis ang komosyon kaya agad itong bumaba ng sasakyan at sinaklolohan ang biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.