Chito Miranda napa-wow sa pasabog ni Julie Anne: Iba ka talaga!  | Bandera

Chito Miranda napa-wow sa pasabog ni Julie Anne: Iba ka talaga! 

Ervin Santiago |May 12,2020
facebook
share this

Chito Miranda napa-wow sa pasabog ni Julie Anne: Iba ka talaga! 

Ervin Santiago - May 12, 2020 - 10:34 AM

NAPA-WOW ang netizens sa version ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa kantang “Bagsakan”.

Ito ay unang pinasikat nina Chito Miranda, Gloc 9 at ng yumaong Pinoy King of Rap na si Francis Magalona.

Ani Julie, ang “Bagsakan” ang isa sa paborito niyang rap songs kaya naisipan niyang gawan ito ng sarili niyang version. Bukod dito, talagang idol na idol din niya sina Chito, Gloc 9 at Francis M.

Muli namang napahanga ng Kapuso singer ang Parokya Ni Edgar frontman na si Chito. Komento nito, “Iba ka talaga!!!”

Saludo rin ang YouTube user na si Michael Lopez sa pagiging talentado ng Kapuso singer-actress, “Bukod sa rapping skills niya sa kakaulit kong panonood nito ay napaisip ako kung gaano kahirap niya tong ginawa kase apat na magkakaibang video tapos magkaiba yung mga galaw niya tas mag-isa lang din niyang ginawa wala pang cut. 

“Ge isipin niyo din kung paano niya nagawang ipakitang sabay sabay yung apat na alam naman nating isa isa lang muna niya tong vinideo lahat. Hayyyy grabe lang talaga yung husayyyy nung isang JULIE ANNE SAN JOSE!”

Comment naman ni Boysie Alina, “Ang lupet mo Julie Anne!!!! Nilagyan mo pa ng bagong arrangement yung singing part na may harmony pa!!! Sabagay, kaya mo talaga ang i-rap ang tatlo kasi nagawa mo na yan dati sa cover mo na Look at Me Now ni Chris Brown!!!

“Ang galing mo talaga!!! You slayed and nailed it!!! Hahaha!! At JUST FOR FUN lang yan??? Minsan ka na nga lang gumawa ng cover…..KINABOG MO PA SILANG LAHAT!!! JAPS FOREVER!!!”

“Ikaw na talaga @myjaps! Sa lahat ng young singers ikaw ang pinaka astig! Kudos! Sana after ng COVID bigyan ka ng GMA ng solo musical show tulad ng kay Regine Velasquez noon na Songbird!”

Maaaring mapanood ang full cover ng “Bagsakan” ni Julie sa kanyang YouTube channel!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending