Lokal na magsasaka talo sa planong rice importation ng DA | Bandera

Lokal na magsasaka talo sa planong rice importation ng DA

Leifbilly Begas - May 11, 2020 - 05:46 PM

farm

KAILANGAN umanong pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagtatanim ng mga magsasaka ng palay at hindi ang pagbili ng imported na bigas.

Ito ang sinabi ni Magsasaka Rep. Argel Cabatbat sa gitna ng plano ng Department of Agriculture na mag-angkat ng 300,000 metriko tonelada ng bigas.

“Kasama ako ng buong sektor agrikultura sa bansa sa pagtatanong: bakit hindi Pilipinong magsasaka ang buhusan ng pondo para magkaroon ng seguridad sa suplay ng bigas sa bansa?” ani Cabatbat.

Ayon kay Cabatbat noong Abril ay sinabi ni DA Secretary William Dar na may sapat na kakayanan ang bansa upang pakainin ang mga Pilipino sa buong taon.

“Sa supply sources na sinabi niya, nangunguna ang kasalukuyang imbak at suplay mula sa lokal na pagtatanim, at panghuli lamang ang imported na suplay. Ngunit sa mga pahayag na inilalabas nila ngayon, mukhang prayoridad na naman ang magsasaka ng ibang bansa, at iyong mga kababayan na naman natin sa sakahan ang lugi at magdurusa.”

Sinabi ni Cabatbat na kailangan ng suporta ng mga magsasaka para makapagtanim ang mga ito upang tumaas ang suplay ng lokal na pagkain at hindi umasa sa pag-aangkat.

“Kung mabibigyan ng sapat na ayuda at proteksyon ang 200, 000 na magsasaka na hindi na nagtanim noong nakaraang  planting season dahil sa Rice Tariffication Law, ang 4, 000 rice mills na napilitang magsara, at ang milyun-milyong magsasakang nalugi sa pagpasok ng imported na bigas, hindi na natin kailangang mag-angkat pa mula sa ibang bansa,” paliwanag ng solon.

Dagdag pa ni Cabatbat, ang magsasaka na hindi makapagtatanim ay dagdag sa sektor ng mga nagungutom at walang trabaho.

“Sa panahon ng krisis, malinaw na ang kapakanan ng mga Pilipino ang dapat inuuna natin. Kung paulit-ulit tayong dedepende sa ibang bansa, sikmura ng banyaga ang binubusog ng sarili nating pera at gobyerno.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending