Show cause order hindi cease and desist order dapat inilabas ng NTC vs ABS-CBN
DAPAT umano ay show cause order at hindi cease and desist order ang ipinalabas ng National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN 2.
Ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno dapat ay binigyan ng pagkakataon ng NTC ang ABS-CBN na magpaliwanag at hindi ito isinara kaagad.
“The more prudent thing to do, and I hope I’m not being disrespectful to them (NTC), is to first issue a show cause order,” ani Puno sa panayam sa radyo.
“Malaki pagkakaiba. Kung ‘yan ang ginawa nila ay nabigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na sabihin ang kanilang panig at gayundin siguro nabigyan ng pagkakataon ang Kongreso na mag-intervene,” dagdag pa ni Puno.
Paliwanag ni Puno hindi malinaw sa batas kung mayroong kapangyarihan ang Senado at Kamara de Representantes na magbigay ng provisional authority (PA) bagamat ito ang nagbibigay ng legislative franchise.
Pero naniniwala si Puno na kung maaaring magbigay ang Kamara ng legislative franchise maaari rin itong magbigay ng mas maliit na PA.
“Ako, ang kuwan ko lang diyan, klaro ‘yun eh ‘yung Kongreso has a power to grant a franchise. That is the bigger power di ba? Ngayon pag sinabi na: “Wala naman sa inyo to power to grant provisional authority,” eh ‘yung smaller power na ‘yun, ‘yung grant ng provisional authority, ‘yun ay kasama yun sa greater power to grant a franchise,” ani Puno.
“In other words, ang jurisprudence diyan, ang desisyon ng korte, yung power to grant a franchise includes necessary, proper and incidental power to effectuate the power of Congress to grant a franchise.”
Hiling ng Kamara sa NTC na magpalabas ng PA para sa ABS-CBN upang makapagpatuloy ang operasyon nito kahit na expired na ang prangkisa nito noong Mayo 4.
Sa halip na PA, cease and desist order ang inilabas ng NTC kaya nag-sogn-off ang ABS-CBN noong nakaraang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.