Bea sa pamilya, mga tunay na kaibigan: Kayo ang yaman ko! | Bandera

Bea sa pamilya, mga tunay na kaibigan: Kayo ang yaman ko!

Julie Bonifacio |May 11,2020
facebook
share this

Bea sa pamilya, mga tunay na kaibigan: Kayo ang yaman ko!

Julie Bonifacio - May 11, 2020 - 09:46 AM

Bea w/ her Mom

PAGKATAPOS maglabas ng  hinanakit at saloobin ang mga Kapamilya stars sa ABS-CBN shutdown, kanya-kanya naman silang paandar ng pagbati sa kanilang mga ina nitong Mother’s Day.

    Ilan sa celebrities na nasilip namin ang Instagram account ay sina Bea Alonzo, Kim Chiu,  Anglelica Panganiban at Coco Martin.

    Ipinost ni Bea ang piktyur nila ng mommy niya na si Mary Anne Ranollo kung saan magkapareho ang suot nila na white t-shirt at maong shorts.

   Caption ni Bea, “If there is anything this crisis is teaching me, it is to appreciate and be grateful for the people in my life who matter. Kayo ang yaman ko.”

   Nagpasalamat din si Bea sa Diyos na healthy at safe ang kanyang ina sa gitna ng COVID-19 pandemic.

   

“Happy mother’s day ma,” bati ni Bea sa kanyang ina. “I would never trade that smile for anything in this world.”

    Sa hulihan ng kanyang caption ay binati rin ni Bea ang iba pang mga nanay,  “Happy mother’s day to all the moms. Sana’y ligtas kayo at kasama nyo ang inyong pamilya.”

   Simple naman ang ginawang pagbati ni Angelica for her mom sa kanyang Instagram account. 

     “Happy Mother’s Day mama. I love you,” pagbati ni Angelica.

    Gayundin si Coco, simple lang ang mensahe niya ng pagbati ng “Happy Mother’s Day” sa kanyang IG. 

    But unlike Bea and Angelica na kasama ang kanilang ina, ang Lola Matilde ni Coco ang kasama niya sa piktyur na ipinost niya.

    Ang litrato nina Coco at Lola Matilde ay kuha nang pumunta sila sa Tokyo Disneyland.

   It’s a common knowledge naman na si Lola Matilde ang nagpalaki at nag-alaga  kay Coco nu’ng bata siya.

    Nakaka-touch naman ang ipinost ni Kim na piktyur ng kanyang ina na si Louella Yap Chiu. Naka-frame ito at nakadikit sa pader at napapaligiran ng malalaki at makulay na bulaklak 

     “Happy mothers day mama!!!  thank you for that comforting dream I had last night! Yes I will be strong! I will and will forever make you proud! kita ta puhon.  Happy mothers day everyone!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending