Kris: Awang-awa ako sa daily wage earners na hirap na hirap ngayon | Bandera

Kris: Awang-awa ako sa daily wage earners na hirap na hirap ngayon

Ervin Santiago - May 10, 2020 - 01:16 PM

KRIS AQUINO

MAKALIPAS ang dalawang buwang pamamalagi sa isang beach resort sa Puerto Galera, feeling ni Kris Aquino ay umayos na ang kanyang health condition.

Ito ang ibinalita ng TV host-actress sa kanyang fans at social media followers sa pagsalang niya sa isang Facebook Live session kagabi.

Kitang-kita sa mukha ni Kris ang excitement sa muli niyang pagharap sa mga tao nang live makalipas ang mahaba-habang panahon. Dito, game na game niyang sinagot ang ilang tanong ng viewers.

Isa nga sa mga ito ay kung may balak ba siyang sumabak muli sa isang talk show pagkatapos ng quarantine period.

“Hindi ganu’n kadali yun kasi wala naman akong network of my own so. 

“Honestly, this is also part of my journey to accept na there are certain things na from the past na baka hindi na babalik to what it was.

“So, I’m really okay with what I have and with who I have in my life. So if I’ll never have a TV show again, I’m fine with that because I’ve had some of the best already and some of the most wonderful experiences,” mahabang tugon ng mommy nina Joshua at Bimby.

Hindi na rin daw siya umaasa na magkakaroon pa siya ng career sa TV dahil sa maraming factors. Pero bukas pa rin naman siya sa kahit anong posibilidad na maaaring mangyari in the future.

“If something special does come and merong dumating then I’ll be the most grateful person kasi hindi ko yun ini-expect na mangyayari. So who knows di ba? 

“Parang now you realize na life is really so unpredictable. Hindi mo alam kung anong mangyayari, hindi mo alam kung anong naitadhana para sa yo,” chika pa ni Kris.

Ano naman ang mga realization niya sa buhay sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa at ng buong mundo? 

Mahirap mag-complain na nandito kami, malayo yung mga kapatid ko and all, kasi parang alam ko na mas mahirap di hamak ang pinagdadaanan ng 99% of the population because we have a comfortable place to stay in.

“Marami kaming pagkain, I am able to take care of my two boys. Na-realize ko na through this whole experience na I should not ever feel that life is difficult because so many people have it so much worse. 

“Na parang mas madami silang pinapasan kesa du’n sa mga hardships na sa amin and it’s really very different,” sey pa ni Tetay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Totoo naman talaga na naawa talaga ako sa mga daily wage earners na ngayon sobrang hirap na hirap at yung mga natatagalan bago nila makuha yung ayuda nila, yung mga pumipila ng napakatagal para makuha yun,” lahad pa ng TV host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending