Cristine nakaligtas sa pamba-bash ng mga anti-ABS-CBN...bakit kaya? | Bandera

Cristine nakaligtas sa pamba-bash ng mga anti-ABS-CBN…bakit kaya?

Ervin Santiago - May 10, 2020 - 08:22 AM

KUNG may isang Kapamilya actress na nakaligtas sa matinding pamba-bash dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, yan ay walang iba kundi si Cristine Reyes.

Kung napamura at nakipaghamunan pa ng away ang ilang Kapamilya stars dahil sa matinding galit, ibang style naman ang ginawa ni Cristine para ipakita ang suporta sa network na pinaglilingkuran.

Mahinahon at kalmado ang mensahe ng aktres sa shutdown ng ABS-CBN base na rin sa cease and desist order na ipinalabas ng National Telecommunications Commission.

Narito ang ipinost ni Cristine sa kanyang social media accounts, “16 na taon nang ako’y nagsimula sa aking karera.

“Ang bilis lumipas ng panahon.

“Minsan nasa taas.

“Minsan nasa ilalim.

“May kanya-kanya tayong oras.

“Walang permanente sa mundo.”

Patuloy ni Cristine, “Lahat sa takdang oras may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan.

“May mga pangyayari sa buhay natin na planado at meron din naman na hindi planado.

“Lahat tayo may kanya-kanyang pag-subok sa buhay. Tatag ng damdamin at taimtim na tiwala sa itaas.

“Lahat ng bagay ay lilipas, sa takdang panahon.

“Maraming salamat ABSCBN sa 12 taon na tiwala. Kapuso, Kapatid, Kapamilya. LAHAT TAYO AY IISANG BAYAN.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Komento ng mga netizens, kung sino pa raw ang kilalang palaban at may katarayan ay siya pa ang naging kalmado sa gitna ng giyera. 

At kahit wala raw inaway, sinumbatan at minura si Cristine, malinaw pa rin nitong naipakita ang kanyang punto at naiparamdam sa madlang pipol ang pagmamahal at pagrespeto niya sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending