Unang Mother's Day ng mga first time celebrity nanay | Bandera

Unang Mother’s Day ng mga first time celebrity nanay

Ervin Santiago |May 10,2020
facebook
share this

Unang Mother’s Day ng mga first time celebrity nanay

Ervin Santiago - May 10, 2020 - 09:00 AM

SIGURADONG ibang-iba ang feeling ngayon ng mga first time celebrity mommy as they celebrate Mothers’ Day this year. Of course, mas magiging memorable para sa kanila ang Araw Ng Mga Ina ngayong taon dahil sa unang pagkakataon ay sila naman ang babatiin ng “Happy Mothers’ Day.” Narito ang ilan sa mga first time celebrity moms kasama ang kanilang mga panganay na anak. ANNE CURTIS &  BABY DAHLIA Isinilang ng TV host-actress ang firstborn nila ng asawang si Erwan Heussaff sa Australia nito lang nagdaang March 2, 2020. Pinangalanan nila sa kaniya ay Dahlia Amelie. Sa kanilang Instagram accounts naka-post ang mga cute DIY (do-it-yourself) photos ng sanggol na two months old na ngayon. SOLENN HEUSSAFF & BABY THYLANE New Year baby ang panganay nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na ipinanganak nitong Jan. 1, 2020. Hindi nila agad ipinakita sa publiko ang itsura ng baby para may element of surprise. Nito lang nagdaang April 29 ibinandera ng showbiz couple ang mukha ni Baby Thylane Katana for the first time ETHEL BOOBA & LITTLE BOOBA Hindi inakala ng singer-comedienne na bibiyayaan pa siya ng anak sa kanyang edad. Mismong Feb. 14, Valentine’s Day, nanganak si Ethel. Pinangalanan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar ang firstborn nilang si Baby Michaela o “Little Booba.LUANE DY & BABY CHRIS Nito lang May 2, 2020 nanganak ang Kapuso TV host-actress sa panganay nila ng character actor na si Carlo Gonzalez. Pinangalanan nila itong Christiano Gonzalez. Naging challenging din para sa Kapuso couple ang huling buwan na pagbubuntis ni Mommy Luane dahil sa COVID-19 pandemic. Hindi pa rin nila niri-reveal ang itsura ng baby. GWEN ZAMORA & BABY COOPER Noong Aug. 15, 2019 pa nanganak ang aktres sa first baby nila ng basketball player-model na si DJ Semerad pero ngayon pa lang siya magse-celebrate ng Mothers’ Day kasama ang anak.

Ine-enjoy ngayon nina Gwen at DJ ang preciousmoments with their growing baby boy sa resthouse nila sa probinsya ngayong meron pa ring ECQ.

MICH LIGGAYU & BABY ANASTACIA First time mom din ang internet sensation na si Mich na nakilala noon ng publiko kasama ang yumao niyang boyfriend na si Jam Sebastian. Sa ngayon, happy na siya sa piling ng kanyang bagong partner in life na si Neo Domingo. Isinilang ni Mich ang panganay nila ni Neo nito lang March 24, 2020. Pinangalanan nila ang kanilang first baby na si Anastacia Margaret.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending