Lito Bautista, Executive Editor
MARAMING mambabatas ang di tutol sa paggamit ng condom, pero takot naman silang lumantad. Yung iba nga, may baon pang condom. Bukas at di sarado ang kanilang mga pag-iisip, pero duwag lang sila sa Catholic Bishops Conference of the Philippines. Takot sila sa paghihiganti ng mga obispo, lalo pa ngayon na may eleksyon. Sa pananaw ng mga mambabatas mapaghiganti ang mga obispo. Pero, hindi lang naman mga mambabatas ang takot sa mga obispo. Kahit si Pangulong Arroyo rin ay takot sa mga obispo. Naghihimutok lang ang ilang mambabatas dahil ang paglaki ng populasyon sa Pilipinas ng 90 milyon ay hindi kargo o dalahin ng mga obispo, kundi ng mga politiko.
BANDERA, 030410
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.