Tuloy-tuloy na kampanya vs ilegal na POGO kailangan
NANAWAGAN ang Accredited Service Providers Association of PAGCOR (ASPAP) sa gobyerno na ipagpatuloy ang pagpapasara sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni ASPAP spokesperson Atty. Margarita Gutierrez mahalaga na mapangalagaan ang mga lehitimong POGO operators na nadadamay sa maling gawain ng mga iligal ang operasyon.
Ikinatuwa ng ASPAP ang raid sa iligal na POGO sa Makati City at Parañaque City kamakailan.
“Our group is compliant with governmental requirements and certifications and faithfully follows the laws and regulations governing regular business operations,” dagdag pa ni Gutierrez. “We support the continuing campaign of law enforcers against illegal gambling to weed out the industry of the undesirables.”
Tiniyak naman ng ASPAP na susunod ito sa protocol na inilatag ng gobyerno para sa pagbubukas ng POGO.
Gagamitin din umano ng ASPAP ang pagdinig ng Senado upang maitama ang mga maling impormasyon laban sa POGO.
“We wish to reassure our legislators and the public that resumption of POGO operations would not undermine the ECQ or pose unnecessary health risk to the community,” dagdag pa nito.
“Aside from stringent health and safety protocols imposed as pre-requisite to reopening, only 30 percent of the workforce mostly Filipinos, who must test negative for COVID-19, are allowed to return to work.”
Makakatuwang umano ng gobyerno ang mga legal na POGO sa pagbagon sa ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.