NAGBARIL sa sarili ang 66-anyos na lalaki matapos lumabas sa pagsusuri na “reactive” siya sa Covid-19 sa Kawayan, Biliran kahapon ng hapon.
Natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima alas-3 ng hapon sa kanilang bahay sa Brgy. Tucdao, ani Lt. Ismael Corzon, hepe ng Kawayan Police.
Nagtamo siya ng tama ng bala sa sentido.
“Based on our investigation, the victim committed suicide. There was no foul play involved. He was depressed after he underwent a rapid test (for COVID-19), which indicated that he was reactive,” ani Corzon.
Isang dating OFW, mayroong diabetes at sakit sa bato ang biktima.
Nagtungo siya sa OSPA Farmers Medical Center sa Ormoc City noong Mayo 1 upang sumailalim sa rapid test para COVID-19.
Lumabas sa resulta na siya ay “reactive.”
Noong Mayo 2, nagtungo ang isang team mula sa Biliran Provincial Hospital sa bahay ni Tancinco upang kunan siya ng swab sample upang madetermina kung positibo nga siya sa virus.
Wala pang resulta ang nasabing test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.