Coronavirus natagpuan sa semilya; Covid-19 maaaring kumalat sa sex?
NANANATILI ang bagong coronavirus sa semilya ng lalaki kahit pagaling na ang pasyente sa Covid-19 kaya pinaniniwalaang maaaring maikalat ito sa pamamagitan ng pagtatalik, ayon sa ulat ng CNN.
Sa isinagawang pag-aaral ng mga Chinese scientists sa Shangqiu Municipal Hospital, 16 porsyento sa 38 lalaking pasyente ay mayroong coronavirus sa kanilang semilya. Siyam na porsyento rito ay nagpapagaling na.
Ginawa ang pag-aaral sa kasagsagan ng pandemic noong Ebero at Pebrero, dagdag ng CNN.
“We found that SARS-CoV-2 can be present in the semen of patients with COVID-19, and SARS-CoV-2 may still be detected in the semen of recovering patients,” ayon naman kay Diangeng Li ng Chinese People’s Liberation Army General Hospital sa Beijing, China.
“Even if the virus cannot replicate in the male reproductive system, it may persist, possibly resulting from the privileged immunity of testes,” dagdag niya.
Hindi naman sinabi sa pag-aaral kung maaaring maikalat nga ang Covid-19 sa pamamagitan ng pagtatalik, paliwanag ng CNN.
“If it could be proved that SARS-CoV-2 can be transmitted sexually in future studies, sexual transmission might be a critical part of the prevention of transmission,” sabi sa
ulat ng grupo.
“Abstinence or condom use might be considered as preventive means for these patients. In addition, it is worth noting that there is a need for studies monitoring fetal development. Therefore, to avoid contact with the patient’s saliva and blood may not be enough, since the survival of SARS-CoV-2 in a recovering patient’s semen maintains the likelihood to infect others,” payo naman nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.