Meralco may bawas singil ngayong buwan | Bandera

Meralco may bawas singil ngayong buwan

Leifbilly Begas - May 08, 2020 - 12:02 PM

Meralco

BUMABA ang singil ng Manila Electric Company sa buwan ng Mayo.

Ayon sa Meralco bababa ng P0.2483 kada kiloWatt hour ang singil o mula P8.9951/ kWh ay magiging P8.7468/kWh.

Nagkakahalaga umano ng P50 ang ibababa sa singil ng isang pamilya na gumagamit ng P200 kWh kada buwan.

Ang singil ngayong buwan ay mas mababa sa P10.2866/kWh na singil noong Mayo 2019.

Ang pagbaba ay bunsod ng mas murang generation charge o mula P4.6385/kWh ay bumaba ng P0.2537/kWh at naging P4.3848/ kWh.

“Because of the very significant reduction in power demand in its service area during the Enhanced Community Quarantine (ECQ) period, MERALCO invoked the Force Majeure provision in its Power Supply Agreements (PSAs) for the duration of the lockdown, reducing fixed charges for generation capacity that would have been charged by suppliers. April’s generation charge reflected a P129 million reduction in fixed costs due to MERALCO’s Force Majeure claim. This May, the Force Majeure claim totaled P877 million, equivalent to savings of P0.3452 per kWh, representing reduction in fixed costs and avoided charges from the temporary suspension of the mid-merit supply contracts recently approved by the Energy Regulatory Commission (ERC). For both April and May billing months, the reduction due to Force Majeure Claim totaled to more than one billion pesos,” saad ng Meralco.

Ang PSA charges ay bumaba ng P0.2116/kWh dahil sa Force Majeure claim.

Bumaba rin ang presyo ng kuryente mula sa Independent Power Producers (IPPs) ng P0.6418/kWh dahil sa mataas na suplay ng kuryente, murang produktong petrolyo at malakas na peso kontra dolyar.

Tumaas naman ang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) tumaas naman ng P1.8502/ kWh dahil sa line rentals na nasa kontrata ng Meralco.

Wala namang paggalaw sa Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) ngayong buwan.

Tumaas din ang transmission charge ng P0.0175/kWh samantalang ang buwis at iba pang bayarin ay bumaba ng P0.0121/kWh.

Hindi naman nagbago ang distribution charge ng Meralco.

Mula noong Mayo 7 ay unti-unti ng nagbubukas ang mga Meralco Business Centers upang tumanggap ng service applications, bayad at iba pang transaksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinatutupad sa mga ito ang No Mask No Entry policy, social distancing at temperature check.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending