Bakla, tomboy 'gagaling' sa exorcism | Bandera

Bakla, tomboy ‘gagaling’ sa exorcism

- May 07, 2020 - 05:11 PM

SAKALING maaprubahan, magiging batas sa Indonesia ang pagsasailalim sa ritwal ng exorcism upang maging tunay na lalaki at babae ang mga bading at tomboy roon.

Legal ang pagiging bakla at tomboy sa Indonesia, maliban sa Aceh kung saan mahigpit na ipinatutupad ang batas ng Islam.

Gayunman, pinaniniwalaan sa nasabing bansa na ang pagiging bading, tomboy o transgender ay resulta ng masamang espirito na sumapi sa katawan ng tao at natatanggal lamang ito sa pamamagitan ng ritwal at dasal.

Dahil dito, ipinanukala ng ilang conservative Islamic lawmakers na pwersahing isailalim sa “rehabilitasyon” ang mga “sexual deviants.” Kasama sa “rehabilitasyon” ang “exorcisms” at iba pang “conversion treatments.”

Ginagamit sa Indonesia ang exorcism bilang panggamot sa sakit sa isip o pantaboy sa mga multo.

Sa exorcism, nagdarasal mula sa Koran ang isang Muslim cleric habang nakapatong ang isang kamay sa ulo ng “pasyente.” Kapag nagkaroon ng reaksyon gaya ng pagsusuka at pagdigaw, “gumaling” na umano ang pasyente.

“It’s usually a strong reaction but that means they’ll be cured quicker,” ayon kay Aris Fatoni.

“However, if someone likes being LGBT and they’ve only come here out of curiosity then there’s no reaction. Those cases are harder to fix,” dagdag niya.

Mayroong anim na klinika sa Jakarta na magsasagawa ng nasabing ritwa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending