House of Representatives huhusgahan ng taumbayan sa ABS-CBN franchise bill | Bandera

House of Representatives huhusgahan ng taumbayan sa ABS-CBN franchise bill

Atty. Rudolf Philip Jurado - May 07, 2020 - 02:33 PM

HINDI inaksyunan ng House of Representatives ang 10 franchise bill na inihain ng mga kongresists noong 2019. Ang mga bills na ito ay naglalayon na mapalawig at magbigay ng bagong franchise para makapag-operate ang ABS-CBN bago pa man mapaso o mag-expire ang prangkisa nito noong Mayo 4, 2020.

Ano ang dahilan bakit hindi inakutuhan ng House of Representatives ang mga bills ang mga ito?

Pwede bang pilitin o idemanda sa Korte ang House of Representatives at ang liderato nito para utusan itong aksyunan at aprubahan ang franchise bill para sa ABS-CBN?

Bakit sa House of Representatives at hindi sa Senado dapat magsisimula (emanate) ang franchise bill ng ABS-CBN?

Ito ang ating tatalakayin natin ngayon.

Ang lahat ng broadcasting at radio stations gaya ng ABS-CBN, GMA Network, Manila Broadcasting Corporation, DZRH at iba pa ay dapat mayroong legislative franchise o pambansang prangkisa. Kumbaga sa isang driver, ito yung driver’s license nila para makapagmaneho.

Ang legislative franchise ay isang prebilehiyo (privilege) na ipinagkakaloob ng Kongreso na isinasabatas sa isang tao o pribadong corporation upang ito ay makapag operate ng broadcasting at radio station at ng mga public utilities.

Ang isang legislative franchise ay isang private bill at ayon sa ating Constitution, lahat ng private bill ay dapat magsimula (emanate) sa House of Representatives at hindi sa Senado. Kaya ang Senado, maski gustuhin man nito ay hindi pupwedeng mag-apruba at magpasa ng legislative franchise bill ng ABS-CBN. Kailangan aksyunan muna ito sa Kamara.

Maaalala natin na ang Senado ay nagsagawa ng mga hearings tungkol sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, pero hanggang doon lamang ang kaya nitong gawin, at hindi ito nakapagpasa ng franchise bill para sa network dahil hindi pa nga inaaktuhan ng Kamara ang mga nakabinbing franchise bill para sa ABS-CBN.

Sa madaling salita, sa usaping legislative franchise na kailangan ngayon ng ABS-CBN, ang ating mga kongresista ang bida. Sila ang magdidikta at masusunod kung kailan nila gustong aksyunan, ipasa at arpubahan ang prangkisa ng ABS-CBN at hindi ang mga senador.

Hindi naman pupwedeng idemanda sa Korte ang House of Representatives at mga lider nito para piliting aksyunan ang legislative franchise bill ng ABS-CBN.

Ang pag-akto at pag-aproba ng legislative franchise bill ng ABS-CBN o anumang bill ay isang tanging karapatan (prerogative) ng House of Representatives na hindi pupwedeng pakialaman ng Korte, sa anumang dahilan, tama man o mali.   Dito na kasi umiiral ang prinsipyong separation of power.

Ang desisyon ng House of Representatives tungkol sa mga pending franchise bills ng ABS-CBN ay inaabangan ng sambayanan, lalo pa’t ngayon na pinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN na mag operate dahil paso o expired na ang legislative franchise nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huhusgahan sila ng tao at ng kasaysayan kung anuman ang magiging desisyon nila tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending