311K magsasaka, OFWs nganga pa rin sa ayuda ng gobyerno
LIMAMPUNG araw nang ipinatutupad ang quarantine pero hanggang ngayon ay nganga pa rin ang 311,000 magsasaka at overseas Filipino workers.
Ayon kay House Deputy Speaker at 1Pacman Rep. Mikee Romero nakalulungkot na napakatagal bago maramdaman ng mga magsasaka at OFW ang tulong sa kanila sa ilalim ng Social Amelioration Program.
Batay sa ulat ng mga implementing agencies ng SAP noong nakaraang linggo, 311,162 o 741,246 target beneficiaries pa ang hindi nakatatanggap ng ayuda.
Sa 591,246 magsasaka na makatatanggap ng P5,000 mula sa Department of Agriculture, ang nakakuha na ng tulong ay 266,284.
Sa 150,000 OFW na tutulungan, 44,878 ang nakatanggap ng tig-P10,000 mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Naipamigay na ng dalawang ahensya ang P3.415 bilyon sa P4.5 bilyong emergency subsidy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.