Bwelta ni Juday sa anti-ABS-CBN: Ngayon lang ako nagsalita, madada na?  | Bandera

Bwelta ni Juday sa anti-ABS-CBN: Ngayon lang ako nagsalita, madada na? 

Ervin Santiago - May 06, 2020 - 01:05 PM

JUDY ANN SANTOS

“NAKAKALUNGKOT. Nakakapanghina. Nakakatulala.”

Hindi pa rin makapaniwala ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos na ang itinuring niyang tahanan sa loob ng mahabang panahon ay sarado na.

Kinuwestiyon ni Juday ang timing ng paglabas ng kautusan mula sa National Telecommunications Commission para sa pagpapatigil ng operasyon ng Kapamilya network matapos mag-expire ang congressional franchise nito last Monday.

“Dalawang bagay ang hindi ko inakalang mangyayari sa buong buhay ko: ang maranasan ang ECQ at magsara ang naging bahay at buhay ko mula 13 years old ako. 

“Maraming mas dapat pagtuunan ng pansin sa mga panahong to. Maraming nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.

“Maraming natutulungan ang kumpanyang bumubuhay sa puso ng mga tao sa panahong ‘to sa pamamagitan ng mga programang pwedeng magpalibang at pansamantalang makalimutan ang mga problemang pinagdadaanan nating lahat,” simulang mensahe ni Juday.

Pagpapatuloy pa ng misis ni Ryan Agoncillo, “Bakit po? Bakit ngayon? Hindi po bang mas importanteng magtulungan tayo at magkaisa kahit pansamantala na muna habang may kinakaharap tayong mas malaking kaaway? 

“Hindi po ba dapat sama sama nating ginagawa ang pwede nating magawa para makapagsilbi sa mamayang Pilipino? Hindi ko naiintindihan… kung may iilang tao ang nagbubunyi ngayon dahil nakuha at nagawa nilang maipasara ang ABS-CBN. 

“Mas marami po kayong taong nasaktan at tinanggalan ng trabaho sa panahong lahat ng tao ay nag-aalala kung paano bubuhayin ang mga pamilya nila. M[a]aari po bang makahingi ng sapat na paliwanag?” lahad pa ng award-winning actress.

Maraming sumang-ayon sa mga sinabi ni Juday pero may ilan ding nagsabi sa kanya na kailangan lang ipatupad ang batas.

“JUDAY, law is law kasi! Hindi [exempted] ang kompanya mo. Mag-aral ka nga. ‘Wag puros dada diyan sa kusina mo,” ang comment ng isang Instagram user.

Sagot naman sa kanya ni Judy Ann, “Ngayon lang ako nagsalita. Madada na? Hindi ko sinasabing dapat EXEMPTED ang ABS-CBN. Ang sinasabi ko lang naman, may tamang timing sana. 

“Hindi sa panahon na maraming tao ang naghihirap lalo ngayon sa epidemyang ito, na dapat mas pagtuunan ng pansin MUNA para makabalik tayong lahat sa mga normal nating buhay at makapaghanap ng trabaho ang mga taong mawawalan ng trabaho. 

“Siguro, kung isa sa pamilya mo ay nagtatrabaho sa ABS-CBN, hindi ‘yan ang sasabihin mo.

Ito naman ang reply niya sa isa pang basher, “‘Wag naman sanang sinabay sa ganitong sitwasyon. ‘Yun lang naman ang akin.”

Isang netizen pa ang nagsabing, “It was at the wrong time, we know, but the BEST DECISION EVER! And we, normal Filipinos who see how bias the station is, wold celebrate this closure! I understand you are sad, all of you working under ABS-CBN, but sometimes, you also have to see in different perspective.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Juday, “I understand. But if we are to talk about being biased, and or other violations of our network, why not investigate on other companies as well?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending