Tom nabiktima ng ‘umuusok na inidoro’ prank ni Carla
DAHIL sa ipinatutupad na extended enhanced community quarantine dulot ng COVID-19, napakaraming oras ngayon sa kani-kanilang tahanan ang mga Pinoy.
At dahil walang ibang mapagkakaabalahan, pinagdiskitahan ni Kapuso star Carla Abellana ang boyfriend niyang si Tom Rodriguez.
Tuwang-tuwa naman ang netizens at kapwa celebrities ni Carla sa kanyang successful “smoking toilet” prank sa walang kamuwang-muwang na si Tom.
Sa Instagram post ng aktres, dinisenyuhan nito ang kanilang toilet bowl na parang naninigarilyong tao kaya ito tinawag na “smoking toilet”.
Kumaripas naman ng takbo si Tom nang nagpa-panic na tawagin ito ni Carla na sinasabing umuusok ang inidoro nila.
Sa huli ay tawang-tawa ito nang malamang joke lang pala ito ng kasintahan.
“Galing pa ako sa baba, panic na tumakbo pataas,” ani Tom.
Benta naman ang prank ni Carla sa kanilang “Love of My Life” co-stars na sina Rhian Ramos at Coney Reyes.
Samantala, habang tigil muna sa taping ang “Love of My Life”, patuloy na napapanood ang rerun ng “My Husband’s Lover” ng Kapuso couple sa GMA Telebabad
* * *
May isa na namang ilulunsad na paandar ang GMA Artist Center para sa Kapuso fans sa kanilang newest series of online shows na #ArtistHideout!
Kahapon, napanood na ang pakikisaya at pakikipagkulitan ng mga paboritong GMA stars sa kanilang fans sa Facebook at YouTube pages ng Artist Center.
Subaybayan tuwing Tuesda ang “Parekuy’s” starring Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, at Lucho Ayala hosted by Tetay Ocampo.
Every Wednesday naman, ang “Wednesday Coolitan” starring Chynna Ortaleza, Max Collins, at Dion Ignacio hosted by Tetay Ocampo ang abangan.
Sa darating naman na Thursday, ang “Yummy Thursdays” starring Arra San Agustin ang ihahandog ng GMAAC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.