Alessandra nag-apply na yaya ng baby ni Assunta: Keri na P150K a month
NGAYON pa lang ay super excited na si Alessandra de Rossi sa pagbubuntis ng kanyang ate na si Assunta de Rossi.
Ibinalita ng aktres na makalipas ang napakahabang paghihintay, sa wakas ay biniyayaan din sila ng anak ni Jules Ledesma.
Sa Instagram, binati ni Alex ang future mommy, “Ayan. Nahipo ng birhen. Congratulations @assuntaledesma @julesledesma. God really answers prayers. 16 years of praying!”
Dagdag pa niya, “Heto ka na, tita na me!”
Ayon pa kay Alessandra, halos sumuko na raw ang ate niya sa pagkakaroon ng anak pero hindi niya alam, buntis na pala siya.
“Keep on praying [heart emoji] and leave it up to God. Gumive na ‘yan last time kami nag-usap about it. Tapos buntis na pala s’ya no’n. Oh, God is good,” pahayag ng aktres.
Samantala, nagbiro pa si Alex na gusto niyang mag-apply bilang yaya ng magiging panganay nina Assunta at Jules.
“Pls po. Naghahanap po ng work. Mag apply nalang akong yaya sa mga Ledesma…”
“Keri na 150k/m. good with kids and all kinds of people/dogs. perfect storyteller for a baby with song and dance.
“Please have mercy and reply asap. Thank you!” sey pa ni Alex.
Sagot naman sa kanya ni Assunta, “Start ka muna sa 0k.”
Hirit naman ni Alessandra, “Hay nako. Kay Jules na lang at generous yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.