Angelika: Ito 'yung taong binigyan mo na, mumurahin ka pa! Kapal n'yo!  | Bandera

Angelika: Ito ‘yung taong binigyan mo na, mumurahin ka pa! Kapal n’yo! 

Ervin Santiago - May 05, 2020 - 04:53 PM

GALIT na galit na tinalakan ng actress-politician na si Angelika dela Cruz ang isang basher na nanglait sa natanggap nilang relief goods.

Mula umano sa Barangay Longos, Malabon ang nagreklamong residente kung saan nagsisilbi ngang barangay captain si Angelika.

Ipinost ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account ang screenshot mula sa Facebook kung saan mababasa na minumura si Angelika bilang kapitana.

Unang depensa ng aktres, “Kahit pa konti konti madalas naman akong magbigay ng relief goods.”

At sa sumunod niyang mensahe, ramdam na ang galit ni Angelika, “Eto ‘yung taong binigyan mo na, mumurahin ka pa. Kahit pa konti-konti, madalas naman akong magbigay ng relief goods.

“Tapos tag team sila ng ugali ng asawa niya na ang sabi ay, ‘P*ta naging ka-apelyido ko pa ‘yang kapitana n’yo? 

“‘Baka mapagkamalang kamag-anak ko pa ‘yan, nakakahiya.’ Huwow kuya! Feeling pogi mo naman! Ang taas ng tingin ninyong mag-asawa sa sarili ninyo.

“’Yan ‘yung mga wala ng naitulong sa kapwa nila kung makapagsalita pa sa kapwa nila, wagas! Ang kapal niyo,” ang galit at masama ang loob ng mensahe ng aktres.

Nauna rito, ipinost din ni Angelika sa IG ang mga litrato ng mga pasaway na residente sa kanilang barangay na nahuling nag-iinuman sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban.

Samantala, patuloy pa rin ang paghahatid ng ayuda nina Angelika sa kanilang nasasakupan.

“Patapos na po ang delivery ng 5th wave of relief goods. Nag-re-repack na po kami para sa pang-anim na pagbibigay. #kapitanaduties #publicservice,” isa pa sa mga post ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending