Domestic tourism makakatulong sa pagbuhay ng ekonomiya
MAAARING maging isang malaking tulong ang domestic tourism sa bansa para umangat muli ang ekonomiya.
Para sa mga lugar tulad ng Palawan, kung saan 36 porsyento ng kanilang gross domestic product ay galing sa turismo, tinitingnan ang domestic tourism bilang isang long-term plan para makarekober sa impact na hatid ng coronavirus pandemic.
Dahil dito, pinag-iisipan na ni Palawan Governor Jose Alvarez na patatagin ang domestic tourism at agriculture ng Palawan.
“Europe, America, and China were affected so how can they travel? This is not final yet, but we asked our officials to study it.” ani Alvarez.
Sinabihan din ang mga local officials na mag-deliberate tungkol sa mga ’emerging’ industries ngayong naapektuhan ng husto ang kanilang turismo.
“There will be a lot of changes in the commercial, political, demographics, and the way people behave. They must think of how to do business outside of tourism.” dagdag pa ni Alverez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.