Duterte nag-sorry sa mga Ayala at kay Pangilinan
NAG-SORRY si Pangulong Duterte sa mga Ayala at sa negosyanteng si Manny Pangilinan dahil sa “hurtful words”.
Sa kanyang public address, nagpasalamat si Duterte sa pagtulong ng mga malalaking negosyante sa kampanya ng gobyerno kontra coronavirus disease (COVID-19).
“The COVID humbled me. That with the kind of response that you gave, showed to the public, it’s a humbling experience also for me that, you know, baka kailangan mo rin sila balang araw,” sabi ni Duterte.
“Iyong mga masakit kong salita to the Ayalas and to — si Pangilinan, I apologize for the hurting words,” dagdag ni Duterte.
Ayon pa kay handa siyang makipag-usap sa mga Ayala at kay Pangilinan.
Matatandaang nagbanta si Duterte ng government takeover sa operasyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig na lalawigan matapos na kuwestiyunin ang concession agreement sa Maynilad at Manila Water.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.