Neri nag-share ng mommy & wifey tips: Dapat ready tayo, may ECQ man o wala | Bandera

Neri nag-share ng mommy & wifey tips: Dapat ready tayo, may ECQ man o wala

Ervin Santiago - May 05, 2020 - 09:55 AM

KUNG may isang wifey at mommy na talagang masasabing tunay na “girl scout” dahil palagi siyang handa anumang oras, yan ay walang iba kundi si Neri Naig.

Maraming humahanga sa pagiging multi-tasking ng asawa ni Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda. In fact, siya ang idol ngayon ng karamihan sa mga misis na active sa social media.

Hindi lang kasi ideal na asawa at madiskarteng ina ang aktres kundi isa rin siyang magaling na businesswoman. Maraming natututunan sa kanya ang mga followers niya sa socmed.

Sa nakaraang episode ng Magandang Buhay, nagbigay ng tips si Neri sa mga kapwa niya nanay at asawa kung paano mas magiging productive ang bawat member ng family ngayong panahon ng lockdown.

Ayon sa misis ni Chito, dapat maging handa sa lahat ng panahon para kahit biglaan ang pagdating krisis ay hindi tayo nagpa-panic 

“Dapat ready tayo, may ECQ man o wala, dapat ready tayo. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari next. Like, for example, kami ‘yung Taal (volcano), ngayon naman may virus,” pahayag ni Neri na naka-base na ngayon sa Alfonso, Cavite.

“Lagi kong sinasabi sa followers ko na lagi niyong isulat lahat ng priorities kasi makakasanayan niyo na ‘yon ang kailangan niyong gawin everyday at malalaman niyo kung ano ba ang kulang. 

“Like, for example, ilan ba ‘yung pagkain. Kasi may pagkain kami na good for six months, good for years. Prepper kasi kaming pareho ni Chito. So pati ang mga gamot ay kumpleto.

“Hindi ‘yung lalabas ka kasi kailangan. Paano kung sarado o wala ang mga gamot na ‘yon? Kailangan kumpletuhin ang mga ganyan,” payo pa ng aktres sa madlang pipol.

Bukod sa pag-aalaga at pakikipag-bonding sa kanyang pamilya ngayong naka-enhanced community quarantine pa rin ang Luzon, kinakarir rin ni Neri ang pagtatanim.

“Kasi ang nanay ko talaga mahilig magtanim. Laking Subic ako, doon ako ipinanganak tapos sa bakuran namin nagtatanim ang nanay ko, doon natuto ako.

“Nagtatanim talaga siya, kinukumpleto niya halos ‘yung nasa ‘Bahay Kubo.’ So ayun, natuto na rin ako,” sabi pa ni Neri. 

“Si Miggy (anak nila ni Chito) nakakatuwa kasi lahat ng hobbies ko tinitingnan niya. ‘Yung sa gardening, nagtatanong siya kung puwede ba siya tumulong. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi siyempre hindi naman agag-agad didiligan ang mga halaman baka malunod.

“Tapos na-e-excite siya kung puwede na mag-harvest. So tinutulungan niya ako, especially pagkuha ng mga kamatis, ganyan,” dugtong pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending