Relasyong KathNiel mas pinatibay ng lockdown; may plano na pagkatapos ng ECQ | Bandera

Relasyong KathNiel mas pinatibay ng lockdown; may plano na pagkatapos ng ECQ

Julie Bonifacio - May 03, 2020 - 09:21 AM

NA-MISS ng fans ni Daniel Padilla ang special birthday greetings ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo nu’ng nag-celebrate ang aktor sa “Magandang Buhay” kamakailan.

     Naka-schedule na raw ang guesting ni Kathryn para sa birthday episode ni Daniel and at the same time, para na rin sa fourth anniversary ng morning talk show ng mga momshie na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada.

   Pero yun nga, walang Kathryn na napanood kaya nagduda agad ang iba na baka may “something” sa reel-and-real sweethearts. Pero si Daniel na ang nagsabi na consistent ang communication nila ni Kathryn kahit ‘di sila nagkakasama because of the extended community quarantine.

   Maagap din ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa pag-post sa kanyang Twitter explaining sa di pag-apir ng aktres sa birthday celebration ni Daniel. 

   “To all the Mimshies, to Magandang Buhay staff and to KathNiel fans who are excited for this guesting of Kath, we are very sorry if Kath wasn’t able to make it. 

“Unfortunately, she is not feeling well when she woke up with puffy eyes this morning. I think this is due to an allergy. Pasensya na po. Babawi po kami,” tweet ng mommy ni Kathryn.

    Apologetic naman si Kath sa mga momshie ng “Magandang Buhay” nu’ng matuloy na ang kanyang guesting.

     “Yes, magaling na,” panimula ni Kath nu’ng kumustahin siya ni Momshie Karla. “And sorry talaga kasi biglaan ‘yun and hirap talaga akong magsalita kaya di tinuloy. At saka masama talaga yung pakiramdam. At yun. At least nagawan ulit natin ng time ngayon. Babawi ako sa inyo today.”

    Ikinuwento ni Kathryn na may activity daw sila sa bahay na ginagawa during quarantine para  may nilu-look forward na gagawin for the day.

    “At saka maging productive  pa rin yung araw. Yung pagluluto, yung mga hindi ko nagagawa. Naglilinis! Yung puro linis na lang kami lahat ngayon. Lahat ng general cleaning at pagtutupi ginawa ko kasi matagal ko na yun gustong gawin.”

   And more importantly daw ay yung time with the family, “Kasi, parati ‘pag may work tayo sinasabi natin, uh, gusto magpahinga. Time with family. Eto, binigay ngayon sa ganitong sitwasyon. So, mina-maximize namin lahat ngayon.”

   Sa loob din ng 46 days, inusisa naman ni Momshie Melai kung gaano na niya nami-miss ang boyfriend niyang si Daniel Padilla.

    “Si DJ, parati naman nagme-make sure na meron kaming nakakain dito. Kasi, limited lang ‘yung nakakalabas sa bahay. Tapos medyo wala rin ngayong nagda-drive. So minsan, siya yung magpapadala dito ng pagkain.”

     Kinilig naman si Momshie Jolina sa kwento ni Kathryn  tungkol kay Daniel na nagpapadala ng pagkain sa kanya.

     “Para maiwas na yung  paglabas  namin, siya ‘yung nagpapadala  dito. Tapos, sinabi na lang  namin  after nito, doon na lang mag-celebrate ng birthday ko, birthday niya. So, lahat ng plans,” ani Kath.

    Meaning, 24 hours nakatutok sa kanya si Daniel via video call, ask ni Momshie Melai  kay Kathryn,   “Parati nag-a-update, ‘Ano’ng  ginagawa mo?’ ‘Eto, nagwo-workout, nagluluto, atsu-tsu-tsu.’ Para lang alam niya ‘yung nangyayari.”

    Para kay Kathryn, mas pinatibay daw ng quarantine ang samahan nila ni Daniel sa pamamagitan ng pagbibigay halaga nila sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

     “Yun ‘yung pinaka-na-test dito. Yun ‘yung pagkakamusta sa pamilya ko, kung paano ako naman sa side niya. Parati niyang tinatanong kung naka-lock ba ang pinto ninyo, ‘I-double check mo. Bumaba ka,’ ganyan. Alam mo ‘yung little things na pagtse-tsek. Tapos  mini-make sure kung ano yung kailangan namin dito. ‘Yung mga ganoong bagay.”

    Nabanggit din ni Kathryn na okey naman ang lahat ng sister niya pati ang isang frontliner sa UK.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending