Richard kay Angel: One day mapi-feel mo rin yun! | Bandera

Richard kay Angel: One day mapi-feel mo rin yun!

Leifbilly Begas - May 02, 2020 - 02:56 PM

ANGEL LOCSIN AT RICHARD GUTIERREZ

SINIGURO ni Richard Gutierrez kay Angel Locsin na mararamdaman din nito ang napakasarap na feeling ng pagkakaroon ng sariling pamilya.

Nagkaroon ng virtual reunion ang dating magka-loveteam sa live Facebook launch ng fundraiser na “Regal Movies at Home,” ang free streaming ng mga pelikula ng Regal Entertainment sa FB kabilang na nga ang pelikula nilang “I Will Always Love You”.

Super happy ang dalawa na nabigyan sila ng chance na magsama uli kahit sa pamamagitan lang ng FB Live at makapagbigay inspirasyon at kaunting saya sa madlang pipol ngayong panahon ng health crisis.

“Kami namin ni Chard, excited kami makatrabaho ang isa’t isa, e. Iba kasi ‘yung pakiramdam na iyan ‘yung kasabayan mo, tapos noong nagsisimula ka pa lang, kayo ‘yung partners. 

“Lahat ng pagod, puyat, intriga, siya ‘yung kasama mo. Tapos makikita mo na nandito pa rin sa industriya tapos ang ganda ng feedback ng mga tao. Nakakabilib,” pahayag ni Angel.

“Kahit siguro may kanya-kanya kaming buhay ngayon, hindi mawawala ‘yung nagru-root pa rin ako para kay Richard. 

“Gusto ko lahat ng magagandang bagay, mangyari sa kaniya. Kasi alam ko siya bilang tao, at alam ko kung gaano niya kamahal ang trabaho niya, at ‘yung mga tao around him,” aniya pa.

Kamakailan ay ikinasal na si Richard sa long-time partner niya at ina ng dalawa niyang anak na si Sarah Lahbati. Dapat sana’y isang engrandeng wedding ang magaganap ngunit dahil sa lockdown ay ipinagpaliban muna nila ito.

Pero siniguro ni Richard na matutuloy pa rin ang bonggang kasalan nila ni Sarah. Natuwa naman si Angel dahil maisusuot pa rin niya ang damit na inilaan niya para sa aniya’y wedding of the century.

Pahayag naman ni Richard, “Ang sarap nga ng feeling na natuloy namin ‘yung wedding at its simplest form, ‘yung family lang namin ‘yung nandoon. Ang sarap ng feeling na very solemn lang, very simple ‘yung celebration namin.”

Nagkuwento rin si Richard kung ano ang daily routine nila sa bahay ngayong may enhanced community quarantine. Bukod sa pag-aayos ng bahay, workout, tinutulungan niya rin si Sarah sa home schooling ng mga anak.

Hirit naman ni Angel, “Kumusta ‘yon? Ano’ng pakiramdam? Ako kasi, hindi ako sanay kay Chard talaga pag nag-uusap kami nang ganito kaseryoso, at ‘yung naka-forcus sa family. 

“Bilang sabay kami lumaki ni Chard, iba ‘yung mga mindset namin noong panahong iyon,” aniya pa.

“Sobrang naa-amaze ako, sorry, Chard, ha, nag-360 talaga (buhay niya). Nakakabilib. Paano mo ginagawa? Conscious effort ba, Chard, o natural na lang sa ‘yo?” tanong pa ng aktres.

Tugon ng aktor, “Alam mo, Gel, parang natural lang, e, pag nagkaroon ka ng kids and you’re happy. Natural lang na dumating sa buhay ko, and I think it’s a blessing from God.”

“Pero tama ka, kung wala ‘yung family ko ngayon, hindi ko alam kung ano na nangyari sa buhay ko,” natatawang pahayag pa ni Richard.

Hirit pa ni Angel, “‘Yung sacrifices niyo ni Sarah para sa pamilya, nakaka-amaze talaga siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“One day, Gel, mapi-feel mo ‘yun,” sagot naman ni Richard.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending