PNP bibili ng ‘taser guns’ panlaban sa bayolenteng sitwasyon
NAGBABALAK bumili ng mga ‘taser guns’ ang Philippine National Police bilang pagresponde sa mga bayolenteng sitwasyon sa gitna nang ipinaiiral na enhanced community quarantine.
“It is part of the plan of PNP. We call it non-violent or those equipment other than the firearms. Lumalabas dito yung mga taser.” ani PNP chief Gen. Archie Gamboa sa online press briefing nang siya ay matanong kung kinukunsidera ba ng PNP ang pagbili ng taser laban sa mga bayolenteng sibilyan.
Ineevaluate na raw ito ng Directorate of Logistics na siyang namumuno sa kung ano ang kailangan ng PNP.
Ilang insidente na ng mga bayolenteng pangyayari ang naitala kung saan involve ang isang miyembro ng PNP tulad ng tangkang pag-aresto kay Javier Parra ni Police Senior Master Sergeant Roland Von Madrona matapos magkasagutan sa isyu ng kawalan ng face mask ng house helper ni Parra habang nagdidilig ng halaman sa labas ng bahay.
Bago ito, naganap naman ang pamamaril kay former Philippine Army Cpl. Winston Ragos ni Police Master Sergeant Daniel Florendo na siyang ikinasawi ng una.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.