Curfew mananatili; bar, resto maaga pa rin isasara sa Cavite kahit tapos na ang ECQ
HINDI aalisin ang curfew sa Cavite kahit matapos na ang enhanced community quarantine sa probinsya, ayon kay Governor Jonvic Remulla sa ginawa niyang public address nitong Huwebes..
Sa Cavite, ang mga batang 12-taon pababa ay kailangan nasa bahay sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang 5:30 ng umaga kinabukasan. Ang mga nasa 13 hanggang 18 anyos naman ay alas-7 ng gabi ang curfew at ang iba ay alas- 10 ng gabi naman.
Kinakailangan kumuha ng authorization ng mga mag-aaaral at mga empleyado sa kanilang school at employers para payagan silang makalabas sa gitna ng oras ng curfew.
Ang mga self-employed naman ay kailangan kumuha ng authorization sa kanilang city hall o municipal hall para makapagtrabaho.
Pinagbabawal pa rin ang pag-inom ng alkohol sa pampublikong lugar kahit matapos na ang liquor ban sa Cavite. Inabisuhan din ang mga restaurant at bar na nagbebenta ng alak na magsara ng alas 8:30 ng gabi. Kinakailangan din nilang siguruhin na may social distancing tuwing sila ay nakabukas.
“Mga kababayan, kaya nating talunin ang COVID-19. Ang solusyon para dito ay hindi mahahanap sa gobyerno o sa siyensiya lamang. Sa dulo ng lahat, kailangan natin makinig, makisama, at makiisa sa mga patakaran.” ani Remulla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.