Kris mamimigay ng pera sa gagawing live online show
MAMIMIGAY ng cash gifts si Kris Aquino!
Yan ay sa pamamagitan ng pinaplano niyang live online show sa pagbabalik niya sa social media at paggawa ng vlogs.
Dahil sa patuloy na suporta at pagmamahal sa kanya ng mga netizens at sa mga nagre-request na i-revive ang Kris TV, nag-promise ang TV host-actress na very soon ay mapapanood na uli siya ng publiko.
Ito’y sa pamamagitan nga ng isang live show kung saan mamimigay nga raw siya ng cash at iba pang regalo. Yan ang ibinandera ni Kris sa bagong video sa kanyang official YouTube channel.
Bukod dito, nangako siya na magiging regular na uli ang pagpo-post niya ng kanyang vlogs na pansamantala ngang natigil dahil sa banta ng COVID-19.
“It feels wonderful to have been missed. For my online family, we’re going back to what made you enjoy watching me, whether on digital or when I was still on network TV–cooking easy but yummy recipes and showcasing the beauty of the Philippines,” lahad ni Kris.
Dagdag pa niya, “Please give Cornerstone and me the chance to fix logistics because kung miss n’yo ‘ko, I felt incomplete not being able to connect with all of you.”
Isa na rin ito sa paraan niya ng pagtulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.
“Alam ko rin through the years, that you appreciate gestures of sharing blessings and my heart breaks for all the daily wage earners kaya when I start doing my live online show, gagawan ko ng paraan na makapagbigay ng cash gifts habang patuloy ang laban natin,” sey ni Tetay.
Inabutan ng lockdown si Kris at mga anak na sina Joshua at Bimby habang nagbabakasyon sa ipinatatayong beach resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera.
Hanggang ngayon ay nasa Puerto Galera pa rin ang mag-iina at mananatili roon hangga’t nasa enhanced community quarantine pa rin ang buong Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.