Paglipat ni Rocco sa ipinatayong mansyon naudlot; 'YouLOL' ng GMA aariba na | Bandera

Paglipat ni Rocco sa ipinatayong mansyon naudlot; ‘YouLOL’ ng GMA aariba na

Jun Nardo - April 30, 2020 - 11:07 AM

AARANGKADA ngayong araw, May 1, ang online comedy show ng GMA Entertainment, ang “YouLOL.”

      Isa itong comedy channel sa YouTube featuring premium offerings and rib-tickling highlights mula sa best Kapuso shows.

      Sa unang pasabog ng “YouLOL,” experience live chats mula sa cast ng Bubble Gang habang sa May 2 ay ang cast ng Pepito Manaloto naman ang inyong makakasama.

      Isa sa segment ng online comedy show ng Kapuso network ay ang “Brgy. Bubble.” Siyempre pa, mapapanood din ang hit parody music video ni Michael V kasama ang iba pang video na magbibigay aliw sa subscribers ngayong panahon ng krisis!

      Samantala, sa May 2 ay magbabalik rin sa ere ang comedy game show na Celebrity Bluff hosted by Eugene Domingo, kasama sina Jose Manalo, Boobay at Brod Pete.

      Sa pagpapatuloy ng enhanced community quarantine sa Metro Manila hanggang May 15, sit back, relax at humalakhak lang pantanggal buryong sa pamamagitan ng “YouLOL!”

* * *

         Nakatakda na sanang lumipat sa bago niyang bahay si Rocco Nacino noong nakaraang buwan kasabay ng kanyang 33rd birthday. 

Ngunit dahil sa enhanced community quarantine, naudlot muna ang mga plano ng Kapuso actor. 

Kuwento ng “Descendants of the Sun” star, “Naudlot talaga ‘yung paglipat ko. I was really looking forward to that this year. 

“I was aiming on my birthday pero pati ‘yung pinapagawa ko like couches, tables, all had to stop. I really have to adjust and really stick to the stay at home routine,” aniya.

Kasalukuyan munang nakatira sa isang condominium unit si Rocco at nag-hire ng caretaker para sa kanyang bagong bahay.

“Rule din ‘yun sa village kung saan ako nagpapatayo ngayon na kapag wala ‘yung owner, kailangan may taga-bantay sa site,” pahayag pa ng binata.                                 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Rule din ‘yun sa village kung saan ako nagpapatayo ngayon na kapag wala ‘yung owner, kailangan may taga-bantay sa site,” pahayag pa ng binata.                                 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending