Tiyan ni Ellen sa bikini photo nangingitim; may inamin tungkol kay Lloydie
PAREHONG na-eenjoy nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ang pagiging magulang sa anak nilang si Elias Modesto.
For the first time ay sinagot na ni Ellen ang tanong ng ilang netizens tungkol sa co-parenting status nila ng dating partner na si John Lloyd.
Palaging iniiwasan noon ng dating sexy star ang mga tanong tungkol kay Elias na magdadalawang taon na sa darating na July pero mukhang open na siya ngayong i-share ang ilang detalye about the kid.
Nag-post si Ellen ng mga photo niya sa Instagram kung saan makikita ang kanyang bikini bod na pilit niyang mine-maintain ngayong panahon ng enhanced community quarantine.
Caption niya sa kanyang sexy photos, “#quaranTan #mumbod thanks to my ever amazing yaya @jessamucho for the amazing videos, boomerang and pics.”
Maraming humanga sa pagiging hot mama ni Ellen pero meron ding nangnega. Pero dedma lang ang ex ni Lloydie.
Isang netizen naman ang nagkomento na napanood niya ang Instagram Live nina John Lloyd at Bea Alonzo, kung saan nakitang kasama ng aktor ang anak nila ni Ellen. Ipinakilala pa nga ni Lloydie si Elias kay Bea.
Comment ng netizen, “How often do you see your son? I’ve watched bea IG live and it was mentioned that your son is with john lloyd…
“I’m curious Lang coz I’m a mum and can’t imagine myself being away with my kids.”
Sagot ni Ellen, “He stays with me. He sleeps over his dads place twice a week because we co parent.”
Samantala, marami naman ang nakapansin sa tila nangingitim na tiyan ni Ellen sa kanyang bikini photos. Kaya ang tanong nila kung edited daw ba ang mga litrato.
Tugon ni Ellen, “Nope. I just tan a lot and i dunnu why my stomach and mid part of my body tanned the most.”
Aniya pa, “I think yun ang simula na nasunog ang aking tiyan hanggang ngayon grabe ang itim talaga ng tiyan ko kumpara sa iba. Hahahahaahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.