DOH sa mga ospital: Donated na PPEs huwag pabayaran sa pasyente
PINAALALAHANAN ng Department of Health sa mga ospital na ang mga donated sa gobyerno na mga personal protective equipment ay hindi maaaring singilin sa mga pasyente.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga PPEs ay maaari lamang ipabayad sa mga pasyente kung ito ay binili ng ospital.
“Kung ang mga PPEs na ginagamit sa ospital ay nagmula sa donasyon, hindi po maaring pabayaran ito ng ospital sa kanilang mga pasyente.” ani Vergeire.
Nanawagan din ang Health official na i-report sa kanilang ahensya ang ano mang pang-aabuso ng mga ospital sa gitna ng coronavirus pandemic.
Maaaring itawag ang report sa 894-26843 at 8651-7800 local 1149 at 1150.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.