TINANGGAL sa trabaho ang traffic aide ng Metropolitan Manila Development Authority dahil sa pambubugbog nito sa kanyang mag-ina.
Sinibak si Traffic Aide 1 Roel Gatos makaraang mag-viral sa social media ang ginawa niya.
Mismong si MMDA chair Danilo Lim ang nag-utos na tanggalin si Gatos matapos niyang mapanood ang video ng pambubugbog.
Ani Assistant Secretary Celine Pialago, MMDA spokesperson, nadamay ang ahensya sa inasal ni Gatos.
Nakatalaga si Gatos, isang contractual employee ng MMDA, sidewalk and clearing group operations.
“The domestic violence which became trending in the social media tarnished the reputation of the agency in which he was identified as an aide of MMDA,” ani Pialago.
Nahaharap si Gatos sa mga kasong disgraceful and immoral conduct at conduct prejudicial to the best interest of MMDA.
Hindi naman naiulat kung sasampahan ng kasong kriminal ang traffic aide.
Inaresto si Gatos makaraan ang pambubugbog sa kanyang asawa at 11-anyos na anak sa kanilang bahay sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.