Alamin: Iba’t ibang paraan para malaman ang bill mo sa Maynilad
DAHIL sa enhanced community quarantine, hindi muna nakakapagdeliver ng mga bill sa mga kabahayan ang ilang mga utilities katulad ng kuryente at tubig.
Para hindi ka naman mabigla at mabudget mo rin nang maaayos ang iyong pera, nagbigay ng iba’t ibang paraan ang Maynilad para ikaw ay mapadalhan ng bill via online o via text.
Sa My Water Bill Program dalawang paraan ang ibinibigay ng Maynilad para masilip mo ang iyong water bill.
Una ang My Water Bill Portal kung saan ang customer ay aabisuhang mag-register sa https://mywaterbill.mayniladwater.com.ph/personaWeb/maynilad_b2c/ kung saan maaaring makakuha ng Statement of Account (SOA) ang customer ng monthly notification sa text o sa email. Gamit ang My Water Bill Portal makikita mo rin ang bill mo hanggang sa 12 buwang nakakaraan. Dito rin nakalagay ang option kung saan pwede mong ma-print ang iyong SOA at ma-check ang mga online payment options.
Hindi rin mahihirapan ang mga customers na wala o mahirap ang access sa internet dahil sa ilalim ng kanilang SMS Subscription makakatanggap ka na ng notification sa iyong bill sa pagmamagitan ng pagtext ng Maynilad
Sa Bill on Demand SMS Bill Facility, ang mga hindi pa rehistrado sa My Water Bill Program ay maaaring i-check ang kanilang current bill sa pamamagitan ng pagtetext ng Maynilad
Dahil sa implementation ng ECQ, hindi na muna nagsasagawa ang Maynilad ng on-site meter reading, bagkus nakabase ang kanilang billing sa average ng inyong consumption sa loob ng nakaraang tatlong buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.