Vico asar-talo kay Bossing: Wala bang nakahubad ngayon...walang bold? | Bandera

Vico asar-talo kay Bossing: Wala bang nakahubad ngayon…walang bold?

Ervin Santiago - April 28, 2020 - 06:08 PM

Vic-Vico

ASAR-TALO si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang tatay na si Bossing Vic nang magkausap sila kanina sa pamamagitan ng Facebook Live.

Ito’y bilang bahagi pa rin ng birthday celebration ng veteran TV host-comedian na naganap sa special Facebook Live na ginawa ng Eat Bulaga.

Dito nga nagkaroon ng pagkakataon na batiin ng “happy birthday” ni Vico ang kanyang tatay sa gitna ng pagtatrabaho nito sa Pasig at pagbibigay ng ayuda sa kanyang mga nasasakupan.

Pero siyempre, hindi rin nakaligtas ang batang alkalde sa pang-aasar ng ama habang magkausap sa pamamagitan ng Zoom.

Niloko kasi ni Bossing ang anak sa muli nitong paggamit ng Zoom app. Kung matatandaan, nag-viral ang video ni Vico habang naka-teleconference para sa virtual presscon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) dahil biglang may lumabas na litrato ng hubad na lalaki sa screen.

“Thank you, Mayor! Tuloy mo lang ‘yung mabuting trabaho mo ha, I’m proud of you,” ani Vic kay Vico matapos itong magbigay ng birthday message.

“Parang kamukha mo ‘yung picture diyan sa likod,” hirit pa ni Bossing na ang tinutukoy ay ang kanyang sarili dahil may nakahanda nang litrato si Vico ng kanyang tatay.

Hirit pa ni Vic, “Wala bang nakahubad ngayon? Walang bold?” Tawa naman nang tawa sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na nakasama nila sa video conference.

Sey naman ni Vico, “Sabi nga nu’ng producer n’yo, magzu-Zoom daw tayo. Sabi ko, ‘Sigurado ba kayong gusto niyo mag-Zoom?’”

“Maraming hacking daw ngayon kaya kinakabahan na ako mag-Zoom e,” natatawa pang chika ni Vico.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending