‘New normal’ guidelines para sa general community quarantine ilalabas na
TINATAPOS na ang magiging guidelines para sa ‘new normal’ o sa mga lugar kung saan itatalaga ang general community quarantine sa mga lugar na low-risk sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpupulong na nag Inter-Agency Task Force para maisapinal ang guidelines na itatalaga sa ilalim ng GCQ.
“Nagpupulong po ngayon ang IATF, nagsimula po ang pagpupulong nila alas onse at ito nga po ang kanilang isasapinal, kung ano po yung guidelines sa GCQ.” ani Roque sa online press conference.
Aniya, kahit na extended ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, importante rin daw na malaman ng lahat kung ano ang GCQ.
Sa guidelines ng GCQ pag-uusapan din kung papayagan ang mga barbershop at salon na mag-bukas sa publiko.
“Yan po ay dinidiscuss. Kasi ang problema po dyan sa mga salons, barbero, imposible po ang social distancing dyan.” dagdag ni Roque.
Ayon pa kay Roque, ngayong araw maaaprubahan ang guidelines at pag-uusapan ito bukas.
Na-extend ang ECQ sa ilang lugar kabilang na ang National Capital Region hanggang May 15 habang ang ilang lugar naman ay isasailalim sa mas magaan na quarantine protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.