KULUNGAN ang binagsakan ng lalaking residente ng Valenzuela City makaraang siya at kanyang live-in partner ay mag-claim ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinatawag sa tanggapan ni Mayor Rex Gatchalian ang dalawa na residente Gen. T de Leon. Hindi naman sila pinangalanan.
Kapwa umamin ang dalawa sa ginawang panloloko.
Napag-alaman na kumuha ng form para sa social amelioration card (SAC) ang magka-live-in at nag-fill up kahit na limitado lang ito para sa isang pamilya.
Parehong beneficiaries din ang inilagay nila sa kanilang SAC form.
Dahil sa ginawang panloloko ay ipinakulong ang lalaki at sasampahan ng kasong falsification of public documents at estafa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.