Anne pasadong ‘twin sister’ ng American celeb na si Kylie Jenner
KERING-KERI ni Anne Curtis na gumanap bilang twin sister ng American celebrity-entrepreneur na si Kylie Jenner.
Sa ilang litrato ni Kylie sa social media, kitang-kita ang malaking pagkakahawig nila ni Anne, lalo na pagdating sa labi at mata.
Isang netizen na may handle name na Maybe Andrino ang nag-post sa Twitter ng ilang photos ng Keeping Up With The Kardashians star.
Caption ni @xolovemaybe sa kanyang tweet pic, “Dont know if its just me but kylie’s looking like @annecurtissmith now [smiling face with heart-shaped eyes emoji].”
Dahil sa dami ng nag-retweet at nag-tag kay Anne ng nasabing post, nabasa niya ito at kahit ang TV host-actress ay sumang-ayon sa kanyang followers.
Aniya, “Dami nag message and tag sa akin… can see a bit of myself sa second pic.”
Agree rin ang netizens sa mga nag-comment na parehong may “plump lips” at “almond-shaped eyes” sina Anne at Kylie. Pero may mga nagsabi naman na lamang pa rin si Anne sa sikat na Americal celebrity dahil hindi siya retokada.
Sey ni @realMaine03, “Yung sayo natural at Hindi thank you Doc!”
Ani @Vinci85669669, “Simula ng nagpalip fillers c Kylie kamuka na xa ni Anne. Parehas Idol.”
Comment naman ni @callmeyanee,
“For reals! Dati ko pa nakikita mukha mo kay Kylie. Lalo na nung nag short black hair ka.”
“Her eyes looks like yours ate haahhahaha akala ko ako lang nakapansin madami din pala,” ani
@labjanayn.
Ayon naman kay @gladyzzann, “YES!!!! THE RESEMBLANCE IS UNCANNY!!!!! @annecurtissmith @KylieJenner.”
Sabi ni @a_faith08, “Akala ko po kayo @annecurtissmith then nakita yung caption…Kylie Jenner kamukha.”
Ani @lheryduhhh, “At least you’re naturally born with it. hahahahaha!”
“You’re waayyy more beautiful than kylie. no need make up yung beauty mo, anne,” sey ni @ayadaruca.
Hirit naman ni @viionieca, “Mas maganda ka parin natural yung sayo eh. miss you.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.