ARESTADO ang tatlo katao sa paglalaro ng cara y cruz sa Quezon City kahapon.
Kinilala ang mga nahuli na sina Ryan Mongaya, 37, construction worker, Ernie Espidelon, 22, helper, at Gilford Gaante, 21, helper, mga residente ng Brgy. Baesa.
Nagpapatrolya ang mga pulis alas-3:20 ng hapon sa Sitio Pajo, Brgy. Baesa at nadaanan umano nila ang mga suspek na nagsusugal.
Nakuha sa mga suspek ang P170 halaga ng taya at tatlong 25 sentimos na pangara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending