Marian nagbenta ng paboritong damit para sa COVID charity; namigay ng 500 kahong gatas
WALANG pakialam si Marian Rivera sa mga taong nangnenega sa kanya sa kabila ng ginagawa nilang pagtulong ni Dingdong Dantes ngayong panahon ng krisis.
In fairness, kahit inookray ng bashers sa social media hindi sila pinapatulan ng Kapuso Primetime Queen. Alam daw kasi ng aktres na mga trolls lamang ang mga ito at wala talagang sasabihing maganda tungkol sa kanya.
Basta ang mahalaga ngayon sa misis ni Dingdong, nakakatulong sila sa mga naapektuhan ng lockdown dulot ng COVID pandemic, lalo na sa mga frontliners.
Bukod sa pamamahagi ng pagkain sa mga health workers, katuwang ang asawang si Dingdong, tuluy-tuloy pa rin si Marian sa pagbibigay ng food packs sa mga kababayan nating nawalan ng pagkakakitaan.
At nitong nakaraang araw nga ay ibinahagi rin ni Marian sa kanyang Instagram ang nakuhang kahun-kahong gatas na kanyang ipamimigay sa mga kabataang nangangailangan ng nutrisyon ngayong patuloy na may kinakaharap na krisis ang bansa.
Aniya sa caption, “Sending 500 milk boxes today, thank you @yespinoy for helping me allocate. Let’s keep our children healthy and safe always.”
Last weekend, ipina-auction din ng Kapuso TV host-actress ang ilan sa kanyang preloved clothes for COVID-19 charity.
Ang lahat ng proceeds ng kanyang “Fashion for Others” ay mapupunta sa mga beneficiaries ng fashion rental store Vestido Manila.
“I’m sharing some of my personally selected pieces to #FashionForOthers benefit sale.
“All proceeds will go towards Covid19 aid. When you shop, you get to choose a beneficiary and support a community,” mensahe pa ni Marian.
Nakilahok din sa charity project na ito sina Judy Ann Santos at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Samantala, excited na rin si Marian sa upcoming GMA series niyang “First Yaya” kung saan makakatambal niya for the first time si Gabby Concepcion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.