Baeby Baste, Scarlet Snow 'little prayer warriors' laban sa COVID-19  | Bandera

Baeby Baste, Scarlet Snow ‘little prayer warriors’ laban sa COVID-19 

Ervin Santiago - April 27, 2020 - 10:25 AM

Baeby Baste-Scarlet

MAITUTURING nang mga prayer warriors ang dalawang celebrity kids na patuloy ang pagdarasal para malagpasan ng buong mundo ang COVID-19 crisis.

Sa kanilang murang edad, napakarami na nilang naibigay na tulong sa mga naapektuhan ng killer virus, kabilang na riyan ang bayaning frontliners na nagbubuwis ng buhay para sa mailigtas ang mga pasyenteng tinamaan ng killer virus.

Ang tinutukoy namin ay sina Baeby Baste at Scarlet Snow Belo na nagsisilbing inspirasyon din ng mga Pinoy para huwag sumuko sa laban kontra-COVID-19.

Nitong nakaraang araw, prayers at sweet message ang handog ng cute na cute na Eat Bulaga host na si  Baste sa kanyang amang pulis na kamakailan lang ay naka-recover mula sa COVID. 

Isa ang tatay ni Baste na si Papa Sol sa mga nagpositibo sa virus mula sa pamunuan ng Philippine National Police. 

Sa panayam ng GMA, inamin ni Baeby Baste na sobra na niyang nami-miss ang ama na balik-serbisyo kaagad matapos gumaling.

 

Hindi raw ito makauwi dahil isa ito sa mga patuloy na nagbibigay serbisyo sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic. 

“Lord kayo na po bahala sa Papa Sol ko at sa iba’t ibang frontliners sa buong mundo. Alam ko po ‘di N’yo po sila pababayaan.

“Kaya please lang Lord, i-protect N’yo po sila kasi sobrang dami pong naghihintay sa kanila, mga families nila,” dagdag pa ng Kapuso child star. 

Kahit miss na ang kanyang amang frontliner, tuloy pa rin sa pagpapaabot ng food at medical supplies sa mga PNP frontliners si Baste. 

“Saludo po kami sa inyo. In our own little way, sana po ay makapag bigay ng ngiti po ito sa inyo… ipag-pray ko po kayong lahat,” sabi pa ng bagets. 

Samantala, ito naman ang dasal ng little prayer warrior na si Scarlet Snow para sa lahat ng frontliners.

 “Dear Lord, thank you for the blessings that you have given me.

“Thank you for making the COVID-19 go away.

“Thank you for the frontliners who are our new heroes.

“Please bless them and protect them from getting sick.

“Thank you for being a kind and forgiving God.

“Thank you for always being with us. I promise to follow your teachings and be good.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I love you always. Amen.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending