Janice nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Gerald; may pasabog kay Gabby
FINALLY, nagsalita na si Janice de Belen tungkol sa kumalat na balita noon sa pagitan nila ni Gerald Anderson.
Natsismis kasi si Janice kay Gerald noong ginagawa nila ang teleseryeng “Budoy” sa ABS-CBN (2012).
Taon na rin ang lumipas nu’ng ma-link si Gerald kay Janice. And every time na tatanungin ang aktres sa mga press interview tungkol kay Gerald, laging selyado ang kanyang mga labi.
Until sumalang si Janice sa Quarantine Chikahan ng kilalang celebrity photographer si Raymund Isaac na naka-live streaming sa kanyang Facebook page.
“Sige, itanong mo na sa akin. Kasi, feeling ko talaga I’m a boring person,” hamon ni Janice kay Raymund.
Hirit ng ace photographer, talaga bang mabango si Gerald Anderson? “Sasagutin ko na ang tanong na yan bilang pumunta na tayo sa tanong na yan bukod sa mabango si Gerald. Yes, totoo naman ‘yan,” say ni Janice.
Magkasama raw sila ni Gerald sa Kapamilya series na “Budoy” bilang mag-ina.
“Gerald and I really developed a really good friendship. Kasi ako, siguro I have this ability to talk to everybody. I’m able to ask the most dangerous questions without offending you. Kasi, matanong ako, eh. Tapos, kapag nagtatanong ako, diretso,” pahayag niya.
Kaya napagkukuwentuhan din nila ni Gerald ang tungkol sa personal na buhay. At pag siya naman ang tinatanong ni Gerald about her life, sumasagot din si Janice.
“We’ve really developed a very good friendship. As in, I look at him as my younger brother. And he looks at me as his older sister. So, we talk about everything. Kahit na nasa party kami, lagi kaming magkadikit. Lagi kaming nagkayakap na parang it’s really nothing,” aniya pa.
Nagulat na lang daw siya pagkagising isang umaga na nili-link na siya kay Gerald.
“Eh, yan yung time na hindi naman kami halos nagkikita because I was busy and he’s busy. Pareho kaming busy na tao. At ngayon talaga kami natsitsismis kung kailan busy kami pareho at hindi naman kami nagkikita,” pahayag pa ni Janice.
Na-impress naman lalo si Raymund kay Janice sa pagsasabi sa kanya what’s the real score sa kanila ni Gerald.
“Alam mo, ang swerte mo, ha. I really never answer this question, ha…ever. I never answer this everytime iniinterbyu ako noon. Never ko siya sinasagot,” she added.
Feeling daw kasi ni Janice, bakit niya kailangang sagutin ang pointless and stupid question about her and Gerald.
“Kasi, feeling ko that time, nu’ng lumabas ang balitang ‘yan, kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ka naman nila paniniwalaan. Kasi, gumawa na sila ng sarili nilang scenario at conclusion,” sabi pa niya.
Pagpapatuloy pa niya, “So parang, why will I answer that question? You already have answers in your mind. You already thought of the whole scenario. Huwag na nating sagutin. Bahala ka na kung anong gusto mo.”
Ibinahagi naman ni Raymund ang pakiramdam ng gaya niya na nasa outskirt ng showbiz, ang swerte-swerte raw ni Janice dahil naamoy na niya si Gerald.
“Marami pa akong artistang naamoy, by the way. Naamoy ko na si Enrique (Gil). Naamoy ko na si Enchong (Dee), si Rayver (Cruz). Guys, sino pa? Mababango sila,” pagri-reveal ni Janice.
Dahil sa amoy, hinamon tuloy ni Raymund si Janice na magbigay ng limang artistang lalaki na mabango para sa kanya from one to five, kasama na rin dito ang male stars na nakatrabaho niya noon.
“Pinakamabango si Gabby Concepcion,” nakangiting sagot ni Janice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.