Karla Estrada nakakuha ng 'dyowa tips' kina Kathryn at Daniel  | Bandera

Karla Estrada nakakuha ng ‘dyowa tips’ kina Kathryn at Daniel 

Julie Bonifacio - April 27, 2020 - 08:39 AM

Karla-Daniel

BISPERAS pa lang ng birthday ni Daniel Padilla ay nag-celebrate na siya kasama ang kanyang pamilya. 

Ang saktong birthday ni Daniel ay kahapon, April 26. At dahil nasa extended community quarantine pa rin ang Metro Manila kaya sa bahay lang sila nag-celebrate.

    Nagkataon naman na sa gabi ng selebrasyon ng birthday ni Daniel ay kasabay ang fundraising online concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez. 

    Kaya sa Instagram account ng ina ni Daniel na si Karla Estrada na isang fan ni Regine, ipinost niya na sa YouTube na lang niya panonoorin ang birthday at fundraising concert ng kanyang idolo.

     “Maligayang kaarawan anak! Hindi ko napanood kagabi ang concert ni ate Regine dahil sinalubong natin ang birthday mo kaya sa YouTube ko panonoorin mamaya! Ganon pa man ay nairaos naTIN ng maligaya at matiwasay ang Bday salubong mo anak, kasama ang isang masaya at malaking angkan na meron tayo,” caption ni Karla sa ipinost niyang mga larawan sa naganap na selebrasyon ng birthday ni Daniel.

     Pagpapatuloy pa ng mensahe ni Karla for Daniel, “You are a Blessing to all of us. you are a gift from heaven and our biggest joy. You’re the first boy who stole my teenage heart. No matter where you go, no matter how old you are You will always be my loving Son. My Hero and My Superstar. GOD BLESS YOU AND YOUR BEAUTIFUL SOUL. WE ALL GOT YOUR BACK! WE LOVE YOU!”

  Last Friday, nagkaroon din ng birthday treat for Daniel ang “Magandang Buhay” hosts na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at ang ina mismo ng Kapamilya actor na si Karla.

    Siyempre, hindi pwedeng hindi matanong si Daniel ng mga momshie host kung ano ba ang sikreto ng matatag na relasyon nila ng kanyang reel-and-real life partner na si Kathryn Bernardo.

   “I think isa sa pinakaimportante yung marespeto kayo sa isa’t isa. ‘Yun nga eh, wala talagang perfect na relationship. Kaya kapag nagkakaproblema siguro yung dahil lagi naming pinipili…to stay, which is to stay every time,” pahayag ni Daniel.

    Kapag nagkakaproblema raw sila ni Kathryn, lagi niyang binabalikan lahat ng mga bagay na ginawa ng dalaga para sa kanya.

    “Hindi lang yung nangyayaring problema ngayon. I always look back doon sa mga kung paano binago ni Kathryn ang buhay ko at may mga bagay na naitulong ko sa kanya, at sino ba siya bilang, you know, may partner in life. So, laging ganoon ako,” lahad ni DJ.

   Feeling daw ni Daniel, nagko-compliment sila ni Kathryn sa isa’t isa dahil nirerespeto nila ang desisyon ng bawat isa, “It’s a give and take, give and take ang isang relationship. Yun siguro yon.”

    Hirit naman ni Momshie Karla sa sinabi ni Daniel, “You know, I will follow that. Ha-hahaha.”

   Of course, knows naman ng marami na happy si Karla sa kanyang karelasyon ngayon na si Jam Ignacio na nakasama rin nilang mag-celebrate ng birthday ni Daniel sa bahay nila.

 

    Ni-reveal naman ni Daniel na isa sa hilig nila ni Kathryn ay ang tumingin ng mga bahay. 

   Kaya nagtanong si Momshie Jolina kay Daniel kung yung lote na nabili ni Kathryn for her family ay para rin sa kanilang dalawa.

    “Ha-haha! Hindi, ate. Sa kanya yun. Sa family niya. Regalo niya yun sa pamilya niya. Hintayin natin,” sabay tawa ulit ni Daniel.

   

                                 

  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                              

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending