Sino sa kanila? (2) | Bandera

Sino sa kanila? (2)

Joseph Greenfield - August 12, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Monique, ng Barangay Bañadero, Ozamiz City
Dear Sir Greenfield,
1.  Dalawa ang boyfriend ko at pareho ko silang mahal. Naisipan kong sumulat sa inyo dahil pareho na rin silang nag-alok ng kasal.
2.    Gusto ko lang malaman kung sino ang higit na ka-compatible ko sa kanilang dalawa. Ang una ay isinilang noong Sept. 17, 1986; at ang ikalawa ay isinilang noong Feb. 14, 1985, habang May 12, 1987 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Monique, ng Barangay Bañadero, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo ang isinilang sa zodiac sign na Virgo ang iyong nakatakdang mapapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mo ay higit namang katugma at ka-compatible ng birth date ng una kung ikukumpara sa birth date ng ikalawa, na ang ibig sabihin, walang pasubali, kapag namili ka na ng lalaking papakasalan sa dalawang boyfriend mo, tiyak na ang una ang pipiliin mo.
Physiognomy:
Samantala sa pag-aanalisang may kaugnayan sa body physique sinasabing kung ikaw ay medyo chubby o mataba, siguradong isang payat o balingkinitang Virgo ang mapapangasawa at makakasama mo habambuhay.
Huling payo at Paalala:
Monique, dapat ngayon pa lang mamili ka na sa dalawa mong  boyfriend dahil kapag pinagtagal mo pa ang pagpili, baka mahirapan ka sa ginagawa mong “pamamangka sa dalawang ilog”. Piliin mo ang una sapagkat ayon sa iyong kapalaran, sa panahong siya ang iyong napangasawa, tiyak na ang magaganap sa piling ng nasabing lalaki ang habambuhay na pag-unlad at kaligayahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending