Boy Abunda marami nang natulungan, pero ayaw ipa-social media | Bandera

Boy Abunda marami nang natulungan, pero ayaw ipa-social media

Julie Bonifacio - April 26, 2020 - 12:21 PM

BOY ABUNDA

FOR sure, isa sa mga nami-miss n’yong panoorin sa TV tuwing gabi ay ang programa ni Boy Abunda, ang “Tonight With Boy Abunda.” 

  Isa na kami riyan dahil ang dami rin naming nakukuhang juicy items sa mga iniinterbyu na celebrities ni Kuya Boy on his show.

   Waiting nga kami kung kailan naman niya maiisip na mag-interview ng artista via social media. 

    Ang dami na kasing nag-i-interview sa mga artista sa kani- kanilang social media account kahit hindi naman talaga sila mga talk show host.

     Bigla ngang dumami ang “talk show” sa social media at baka makasanayan na ito ng mga tao at mapabilang sa tinatawag na “new normal.”

     At tulad ng marami sa atin ngayon, naka-lockdown din ang subdivision na tinitirhan ni Kuya Boy sa Kyusi kasama ang long-time partner niyang si Bong Quintana. 

   Ayon sa aming source, okey naman daw si Kuya Boy. Mabuti na lang din daw na nakapagpadala na siya ng tulong sa kanyang mga kamag-anak sa Samar bago pa magkaroon ng lockdown sa subdivision nila.

   Marami na ring nabigyan ng tulong si Kuya Boy sa iba’t ibang fundraising activities ng ilang celebrities and non-government organizations. Pero tahimik lang si Kuya Boy sa pagbibigay niya ng ayuda sa ibang tao.

    Walang fanfare, walang social media post, walang ingay, ganern.

    We heard, nakapagpadala rin ng tulong ang King of Talk sa mga doctors, nurses, medical workers and staff sa iba’t ibang ospital at iba pang frontliners.

   Nauna rito, hindi niya siyempre pinabayaan ang staff niya sa kanyang talent management, ang Asian Artists Agency (AAA).       Nagpaabot na siya ng extra ayuda sa kanyang staff bukod pa sa sweldo nila kahit walang work.

    To think na for one month and a half, and now extended pa, ay wala namang pumapasok din na project sa mga talent ng AAA.

    Kaya talagang halos abot hanggang langit ang pasasalamat ng mga natulungan na ni Kuya Boy sa tahimik na paraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending