UMABOT sa 24 ang bilang ng mga panibagong kaso ng COVID-19 sa Cebu City, kung saan karamihan ay mula sa city jail.
Sa Facebook post, sinabi ni Mayor Edgardo Labella na sa 24 bagong kumpirmadong kaso, 20 ay mula sa city jail sa Brgy. Kalunasan.
Sa ngayon ay umabot na sa 149 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang jail facility.
Ang apat pang bagong kaso sa siyudad ay mula sa mga barangay ng Mambaling, Labangon, Guadalupe, at Luz.
Sa kabuuan, ang Cebu City ay mayroon nang 352 na kumpirmadong COVID-19 cases at nananatiling may pinakamaraming kaso sa Central Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.