IRAN dinurog ang CHINESE TAIPEI | Bandera

IRAN dinurog ang CHINESE TAIPEI

Mike Lee - August 11, 2013 - 03:00 AM

NAGISING ang Iran mula sa masamang panimula para iwanan ang Chinese Taipei, 79-60, at makarating na sa finals ng 27th FIBA Asia Men’s Championship kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Binalikat ng mahusay na guard na si Mahdi Kamrany ang pagputok ng opensa ng Iranians sa second quarter nang maghatid siya ng 12 sa kanyang nangungunang 19 puntos para balewlain ang 14-23 iskor matapos ang unang yugto.

May limang puntos siya sa 15-0 run sa pagbubukas ng yugto para ibigay sa Iran ang 31-23 kalamangan. Sa tindi ng depensa ng Iran sa mga shooters ng Taiwan, ang huli ay sumablay sa unang 13 attempts para maisuko na ang momentum sa laro.

Lalo ng naiwanan ang Taiwanese team nang magkaroon lamang ng apat na puntos sa ikatlong yugto upang ibigay sa Iran ang 60-39 bentahe papasok sa huling 10 minuto ng labanan.

Ang pagkuha ng puwesto sa championship na paglalaban ngayong alas-7 ng gabi ay nagbigay daan din para makapasok na ang Iran sa FIBA World Cup sa susunod na taon sa Madrid, Spain.

“We didn’t start well but we got the right energy  and came back,” wika ni Iran coach Mehmed Becirovic. Kakaharapin ng koponang kampeon sa FIBA Asia noong 2007 at 2009 edisyon ang mananalo sa pagitan ng Pilipinas at South Korea para malaman kung sino ang hihiranging pinakamahusay sa taong ito.

May anim na assists at rebounds pa si Kamrany habang ang 7-foot-2 center Hamed Hadadi ay tumapos bitbit ang 17 puntos at 14 rebounds kahit may tatlong fouls sa first half.

Si Quincy Davis III ay mayroong 16 puntos habang si Chen Shih-Chieh ay mayroong 11 pero ang ibang gunners sa pangunguna ni Lin Chih-Chieh ay natahimik para malaglag sa battle-for-third ang Chinese Taipei.

Kontrolado ng mas malalaking Iranians ang rebounding, 47-24, at mayroon pang 58-20 kalamangan sa inside points bukod sa 16-4 second chance points at 23-6 sa fastbreak points.

Ang mananalo sa Pilipinas at Korea ay hindi lamang lalaban sa titulo kungdi aabante rin sa FIBA World Cup. Ang ikatlo at huling team na papasok sa Madrid meet ay ang papangatlo sa kompetisyon.

Samantala, tinalo ng napatalsik na kampeong China ang  Jordan, 79-76, para maging palaban para sa ikalimang puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending