Palasyo tiniyak ang patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng retiradong sundalo | Bandera

Palasyo tiniyak ang patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng retiradong sundalo

Bella Cariaso - April 23, 2020 - 01:10 PM

TINIYAK ng Palasyo ang patas na imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng isang retiradong sundalo matapos na barilin ng isang pulis na nagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Quezon City.

“Nakikiramay po kami sa pgkamatay ng retiradong militar sa insidente ito. Siyempre po malungkot dahil nagsilbi rin siya sa bayan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nasawi si dating Pfc. Winston Ragos matapos na barilin ni MSgt. Daniel Florendo.

“Nangako naman ang Presidente na magkakaroon ng patas na imbestigasyon dito dahil taong gobyerno rin ang biktima ay sundalo rin. Makakaasa po kayo sa patas at mabilis na imbestigasyon.

Kasabay nito, kinontra ni Roque ang pananaw ng mga kritiko na base ang ginawa ng pulis sa naunang direktiba ni Pangulong Duterte na barilin ang mga lalabag sa ECQ.

“Ang preliminary report nagkaraoon ng sigawan sa panig ng nasawi at nagkaroon ng interpretasyon yung pulis nang tumalikod ay bubunot ng baril pero preliminary pa lamang,” ayon pa kay Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending